News

Storm surge sa Batangas at Mimaropa, posible – NDRRMC

BATANGAS City — NAGBABALA ang National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa posibleng pagkakaroon ng storm surge na aabot ng isa hanggang dalawang metro ang taas sa mga baybayin ng Lalawigan ng Batangas at MIMAROPA provinces sa mga susunod na oras bunsod ng bagyong #QuintaPH.

Sa ipinalabas na anunsyo ng ahensya, partikular na pinag-iingat ang mga komunidad sa baybayin ng Batangas, Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque at Romblon.

Pinapayuhan ang mga nananatiling nasa mabababang lugar na magsilikas sa mas mataas na lugar upang maiwasan ang posibleng peligrong dala ng naturang storm surge.|-BNN