Opinions

“Hindi ako katulad ni Mac Arthur,”I shall not return!”— Ben Tulfo

DIYOS ko! Sana naman ay matapos na ang krisis sa NAIA. Amen! Sana naman po ay managot ang dapat managot. Xiamen!

Tuloy pa rin ang pag-angkat ng shabu gamit ang Customs. Nakaka-adwana na talaga!

P5 milyon ang patong sa ulo ng mga pulis na sangkot sa droga. Matutukso na dito ang asawa at GF ng ninja cop.

Wala sa listahan ng mga senatoriables ng PDP-Laban ang pangalan ni Mocha Uson. Ayon kay PDP-Laban Chairman Koko Pimentel ay bahala na si P-Digong kung isasama  siya o hindi.

Paboritong mananalo ang Gilas Pilipinas sa Asian Games sa Indonesia. Salamat sa mga imports!

Bilyong pisong halaga ng tone-toneladang smuggled na bigas ang binubulok lang sa bodega. Dapat ibigay na lang ang mga ito sa mga mahihirap kesa mailahok pa sa mamahaling bigas ng mga traders.

Nagmahal daw nang husto ang presyo ng itlog sa palengke, Ang medyo basag daw lang ang mura at kalahati ang presyo. Sana ipag-utos ng pamahalaan na basagin na lang ang mga itlog!

Ibinulgar ng COA na P565 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno dahil korupsiyon. Hindi lamang habagat ang problema ng bansa kundi pati pagbaha ng korupsiyon at shabu sa Duterte administration.

Gusto na raw magbitiw ni P-Duterte sa posisyon dahil sa di-mapigilang korupsiyon sa pamahalaan. Sa halip na magmura ay nagbibiro na lang siya ngayon. O baka naman takot siyang mahawa.

Sa isyu nang pagbibitiw ng pangulo ay nasasabik na raw ang Tropang Dilawan. Puro nga naman paasa at wala namang natutupad!

Kapag daw nakahuli si Senator Pacquiao ng drug lord ay ipa-firing squad niyang mag-isa ito. kaya lang ay walang batas pa sa death penalty. Kung hindi raw pwede ang musketry ay musket-one na lang!

Maraming dapat mag-ingat sa month of August.  Ghost month daw kasi.

Segurado daw babahain ang McArthur Bridge kapag natuloy ang Bulacan International Airport, kasi ekta-ektaryang palaisdaan ang tatambakan ng lampas-tao. Wala pa ring aksiyon ang Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan kasi baka raw nakatanggap na ng payola sa SMC project na ito.

Mayroong conflict of interest si dating DOT Secretary Wanda Teo at kanyang mga kapatid na Tulfo Brothers hinggil sa kontrobersiyal na P60 milyon ads sa TV kaya dapat daw ibalik ito.  Ayon naman kay Ben Tulfo ay hindi siya tulad ni General Mc Arthur—I shall not return!

Hindi raw alam ni Wanda Teo na sa kanyang mga kapatid ang programang Kilos Pronto, kaya pinirmahan niya ng P60 milyon TV ads para sa mga ito. Hay naku! Talagang wala nang maibabalik!

Unti-unti na raw pumapalag si P-Digong sa harapang pambu-bully ng China sa ating bansa. Totoo kaya ito o kunwari lang?

Hindi na mareresolba ang illegal drugs kapag laganap ang korupsiyon lalo na sa mga LGUs at law enforcers. Kasi sila ang tumatanggap ng milyones na padulas mula sa mga drug lords.

Tuloy ang joint exploration  sa West Philippine Sea. Basta huwag lang papalag si Trillanes.

Kahit sino ang makalamang sa partihan sa joint exploration ay ok slang kesa walang pakinabang.Kasi wala namang puhunan at kakayahan ang mga Pinoy sa ganyang uri ng negosyo.

Kaya raw ilang araw na hindi nagpapakita si P-Duterte ay comatose daw siya ayon kay Joma. Pero ayon kay Secretary Bong Go ay walang coma at nasa kama lang si P-Digong at nagpapahinga. Papalitan na raw ng pangulo ang letter J ng letter C sa pangalan ni Joma para maging Coma!

Hindi na natuloy ang solo driver ban sa EDSA ng MMDA. Nauntog na ang mga opisyal na tulig!

Sinibak na si Chot reyes sa Gilas Pilipinas.Hindi kaya niya awayin ang mga ito?

Bagong coach ng Gilas si yeng Guiao. Pwede na siyan kumadidatong governor ng Pampanga.|