Opinions

Administrasyong Villamor, tuloy ang suporta sa Tanauan Little League Players

OKs lang kay Duterte ang pepe-dede ralismo video. Hands off lagi siya basta kay Mocha!

Biglang pinag-usapan sa palengke, barberya at mga parlor ang Pederalismo dahil sa pepe-dede ni Mocha Uson. Ang publisidad na ito ay nagawa niya sa loob ng isang araw lamang  na kung ibang propesyonal o pulitiko ay baka abutin ng 5 taon! Wika nga matapos magpasabog ng malakas na bomba ay bahala na ang kanyang kasama na mag-ayos ng sinira ng pagsabog.Parang pagbomba sa Marawi, gobyerno ang nagwagi.

Hindi bagyo kundi habagat ang nagdulot ng baha sa lahat ng panig ng bansa. Sana ay magsagawa si P-Digong ng giyera kontra habagat!

Nanguna si NCRPO chief General  Eleazar sa rescue operations sa Malanday, Marikina. Maraming pulis iskalawags na siyang nabatukan at mga matitino na ginatimpalaan. Iba talaga siya at wala talagang sinasanto. Pati baha ay sinasagasa niya!

Ibinaba ng NTC ang interconnection rate ng mga telcos. No more bad news na raw. Tulad ng telebabad ay  babad news!

Ready na ang mga pulitiko sa 2019 elections. Kaya lang ay naging kalakaran na itinutumba na lang ng mga kandidato ang kalabang hindi kayang talunin sa halalan.

Napakaraming lumubog at nasirang bahay sa Metro Manila dahil sa malakas na ulang dulot ng habagat, pero hindi nakikita pa si P-Duterte sa mga lugal na ito.  Kampante daw ang pangulo at marami daw mahihirap na  biktima ang nasasabing di naman sila talaga apektado ng anumang dumating na baha. Kasi nga naman ay wala naman daw talaga silang bahay at sa kalsada lamang sila natutulog!

Kung nakikipagkaisa daw ang lahat ng barangay officials sa kapulisan ay tiyak ang tagumpay ng giyera kontra droga. Kakaiba nga lang sa Tanauan City. Nagreport ang lahat ng 48 punong barangay at nagkaisa na wala talaga silang makuha sa kanilang intelligence sources na nagsasabit kay former Mayor Thony Halili sa iligal na droga pero napatay pa rin ang butihing mayor dahil umano sa iligal na droga. At hanggang ngayon ay wala pang follow up operations sa umano’y mga suspek.

Sa isinagawang regular Monday Flag Raising Ceremony ay binigyan ni Mayora Jhoanna Corona-Villamor ng P50,000 incentives ang nagkampeong mga manlalarong Tanaueño ng Senior Girl Softball sa Little League World Series na ginanap sa Delaware, USA. Kasunod nito ay nagpahabol din ang naiwang pamilya ni former Mayor Halili ng halagang P160,000 na ayon sa kanila ay sadyang bahagi ito nang laging nakahanda ng yumaong mayor  bilang insentibo sa mga nagbibigay ng karangalan sa Lunsod ng Tanauan. Ayon kay Tanauan Sports Czar Tato Dimayuga ay lalong gaganahan daw ang mga manlalarong kabataan sa Tanauan dahil sa insentibo at patuloy na suporta ng Pamahalaang Lunsod  sa pangunguna ni Mayor Jhoanna Corona Villamor na isa sa kinukunan nila ng lakas at  inspirasyon.

Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi niya talaga maintindihan ang ilang probisyon ng Pederalismo. Sana magtanong siya kay Mocha Uson.

Pinasasakit daw ng PDP-Laban ang ulo ni P-Digong. Kaya ang PDP ngayon ay PDP as in President Duterte’s Problem.

Winarningan ng China ang US Navy aircraft na naniniktik sa Spratlys. Seguradong panonoorin lang ni P-Digong ang kanilang dogfight sa itaas.

Kumpirmado na naikalat na sa buong bansa ang P7 bilyong shabu na nakalusot sa Customs. Isang malaking sampal ito sa kanyang administrasyon. Kaya lang ay wala pa ring matibay na aksiyon si P-Duterte hinggil dito Takot siyang madamay si Paolo!

Mahihirapan ang MMDA na ipatupad ang anti-single driver law. Kasi paghinto pa lang ng isang sasakyan ay nagdudulot na ng trapik ay iyon pa kayang libong sasakyan ang paparahin araw-araw? Magdagdag na lang ng kalye kesa magbawas ng sasakyan!

Ano ba raw ang masasabi sa pahayag ni SGMA sa kongreso na walang distrito ang zero budget. Wika nga ni Lacson, “Ang saya-saya nila. Parang fiesta. Balik nakawan na naman!”

Magsisimula na ang pagbabantay ng space soldiers ng US sa kalawakan. Sila ang magbabantay sa atmospera at kalawakan. At pangontra din sa mga aliens. Ang Pinas lang daw ang walang bantay kalawakan. Inererekomenda na suportahan na natin ang mga manananggal at aswang! He he he!

Moroccan daw ang suicide bomber sa Basilan. Nakapasok na talaga sa bansa ang foreign terrorists.

Maaabo lang daw ang Pederalismo ayon kay Ping Lacson. Maabo rin kaya ang P90 milyong budget dito?|