F.E.S.T. Travel, Tourism & Trends

Yaman at ganda ng karagatan ng Batangas ipinagmamalaki

By ALMIRA M. EJE

BATANGAS City — PORMAL na binuksan ang Underwater Photo Exhibit, tampok ang mga larawang kuha ni Mr. Penn De Los Santos, Scuba Diving Instructor at Underwater Photographer, nagpapakita sa ganda at yamang sa ilalim ng karagatan ng Lalawigan ng Batangas.

 

Naging panauhin sa exhibit opening sina Deputy Speaker at Batangas Congressman Raneo Abu; Mr. Luis Awitan, PG-ENRO Department Head; Batangas Tourism Council President Mr. Sonny Lozano; Lions Club President Alex Beredo; Mr. Alex Yap; at Rotary Club of Batangas Great President Eloisa Portugal. Magtatagal ang exhibit hanggang katapusan ng Abril 2018 sa PTCAO Building, Capitol Compound, Batangas City.|

Photo credit: ERIC ARELLANO