#WALANGPASOK sa Batangas City at Lipa City, Abril 10

(UPDATED) UPANG higit pang matiyak ang tibay at integridad ng mga gusali ng mga unibersidad, kolehiyo at mga paaralan at ang kaligtasan ng mga mag-aaral, #WalangPasok bukas sa Lunes, Abril 10, sa LAHAT ng antas sa buong nasasakupan ng Lunsod Batangas at Lunsod ng Lipa, mapa-pribado man o pampubliko.

Naunang inianunsyo ni Mayor Beverly Rose A. Dimacuha ang pagsuspinde ng klase sa Lunsod Batangas noong Sabado ng hapon sa emergency meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

“Hindi natin maaaring ipagsapalaran ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral,” pahayag pa ng alkalde. Aniya, kailangang matiyak munang ligtas ang mga gusali at silid-aralan matapos yanigin ang Lalawigan ng Batangas ng apat na mgkakasunod na malalakas na lindol sa loob lamang ng 90 minuto, Sabado ng hapon, Abril 8.

Nasa diskresyon naman ng mga pangasiwaan ng mga eskwelahan kung kakailanganing papasukin ang kanilang mga kawani bagaman tiniyak na rin ng alkalde na may pasok sa mga tanggapan ng pamahalaang lunsod ng Batangas.

Nitong Linggo ng hapon, inianunsyo na rin ni Mayor Meynard A. Sabili ang gayunding pagsuspinde ng klase sa nasasakop naman ng Lunsod ng Lipa. Magkagayunman, tuloy aniya ang nakatakdang pamamahagi ng financial assistance sa mga scholars ng lunsod.

Post sa social media ni Atty, Victor reginal A. Dimacuha, Secretary to the City Mayor.|

Samantala, nanawagan si Dimacuha sa mga may-ari ng mga matataas na gusali sa pribadong sektor na kumuha ng serbisyo ng mga structural engineers sa lalo’t medaling panahon upang maseguro din ang integridad ng kanilang mga ari-arian para na rin sa kanilang kaligtasan.

Nanawagan naman si Congressman Marvey Mariño sa publiko na manatiling mapagmatyag at alerto sa bawat oras, gayundin ang panawagan na tanging sa mga opisyal na anunsyo lamang na inihahatid ng mga lehitimong mamamahayag maniwala sa halip na magpakalat ng peke at walang batayang anunsyo sa social media.

Patuloy naman ang assessment at monitoring ng mga LDRRMC sa mga naging pinsala ng nakalipas na mga paglindol.|BALIKAS News

 #BALIKASBantayKalamidad Update #BALIKASOnline #LindolPH BalikasPH

Share this:



Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *