AID TO FARMERS. Tinanggap ni Pununlunsod Antonio C. Halili ang susi ng “4-wheel drive tractor (45hp)” mula kina Agriculture secretary Emmanuel F. Piñol at DA RFU-IV-A Director Arnel V. Mesa kasama si 3rd district Board Member Divina Balba bilang bahagi ng High Value Crops Development Program ng kagawaran. Basahin ang buong istorya sa pahina 3.| JUN S. MOJARES

Traktora at iba pang farming equipments, hinatid ng DA sa Tanauan

Ni MARIA TERESA SILVA-BUÑO

LUNSOD NG TANAUAN, Batangas – BUONG kagalakang tinanggap ng lunsod na ito sa pangunguna ni Pununlunsod Antonio C. Halili ang isang “four wheel drive tractor (45 hp)” at iba pang mga kagamitan sa pagsasaka noong ika-25 ng Hulyo, 2017 mula sa Kagawaran ng Pagsasaka noong Martes, Hulyo 25, na personal na inihatid ni Sec. Emmanuel F. Piñol kasama si RFU-IV-A Director Arnel V. Mesa kaalinsabay ng sisinagawang “Biyaheng Bukid” sa lalawigan ng Batangas.

Isang “Memorandum of Agreement” ang nauna ng pinirmahan sa pagitan ng Department of Agriculture-Regional Field Unit IV-A at ng Magsasaka Tanaueños Agricultural Marketing Cooperative para sa pagkakaloob ng mga“agricultural machineries and materials.”

Ang traktora ay nakatakdang gamitin para sa pagsasagawa ng modernong operasyon sa pagsasaka. Sa pamamagitan ng “High Value Crops Development Program” ng Department of Agriculture (DA), ang mga magsasakang Tanaueño ay mabibigyan ng pantay-pantay na oportunidad na mapahusay ang kanilang mga ani at tumaas ang kanilang kita.

KABUUANG isang milyong pisong ayuda ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) ang tinanggap ng Pamahalaang Lunsod ng Tanauan para sa operasyon ng kauna-unahang Halal slaughterhouse sa rehiyon.|VINCENT OCTAVIO

Layunin ng programang ito na suportahan ang mga grupo at kooperatiba ng mga magsasaka, mga LGU, mga institusyon ng NGO, SUC’s at mga pribadong organisasyon na makamtan ang seguridad at mabigyang solusyon ang mga suliranin ng mga nasa sektor ng agrikultura at pangingisda gaya ng pagtugon sa kanilang mga pangangailangan na manggagaling sa High Value Crops Development Program Fund (HVCDF) ng kagawaran.

Kabilang sa mga tinanggap ng lunsod para sa nabanggit na farmers’ cooperative ay ang 1 unit pump and engine, 5 pcs knapsack sprayers, 50 pcs plastic crates, 10 bags organic fertilizer, 1 set brewer tea, 1 unit cassava grater, at 1 unit cassava granulator.

Bukod dito, tumanggap din ng 1 unit mechanical corn sheller at 1 unit corn tractor ang Tanauan City Corn Growers Association, ang benepisaryong organisasyon ng lunsod.

Ang mga ipinamahaging makinarya at materyales na pang-agrikultura ay naitala sa halagang Php 4,035,220 at ang implementasyon ng programang makapagdaragdag sa produksyon ng “high value crops” sa lunsod ay pangangasiwaan ng Tanauan City Agriculture Office.|#BALIKAS_News

If you found this article worth-reading, kindly share this to your friends and neighbors. Just hit the social media icon below.

WE VALUE your comments and opinions. Leave your comments here.

Disclaimer: Comments do not represent the views of BALIKAS.net We reserve the right to exclude comments which are inconsistent with our editorial standards.

Share this:



Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *