SI Mayor Thony Halili habang nagbibigay ng mensahe kaugnay ng magandang naging performance ng Lunsod ng Tanauan sa CMCI.

Tanauan City, umarangkada sa CMCI 2016

LUNSOD NG TANAUAN – Patuloy ang pag-angat ng pamahalaang lunsod ng Tanauan matapos umabante sa ika-33 puwesto ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) sa taong 2016 na sinalihan ng 144 na siyudad.

Sa pinakahuling pagtataya na isinagawa ng National Competitiveness Council (NCC), nakakalap ng kabuuang 33.07 puntos ang Tanauan City dahilan upang umangat ito ng limang puwesto mula sa ika-38 noong 2015.

Nananatiling kahanga-hanga ang pamumuno ng lunsod sa mga larangang binigyang puntos gaya ng Economic Dynamism, Govern-ment Efficiency at Infrastructure.

Nagsimulang magkamit ng ika-81 puwesto ang Tanauan City sa kategoryang “All Cities” taong 2014 makaraang makabilang ito sa noo’y 142 na siyudad sa buong bansa na sinuri ng CMCI.

Naitatag ang CMCI sa pangu-nguna ng Department of Trade and Industry (DTI) upang mabigyan ang mga investors ng malinaw na batayan kung saang lugar karapat-dapat maglagak ng kanilang pamumuhunan.

Layunin din ng pagkakatatag nito ang magkaroon ang mga local chief executives ng matibay at objective na datos upang maisulong at mai-angat pa ang antas ng kanilang kakayahang pamahalaan ang mga nasasakupan.|
Louise Anne C. Villajuan at Ma. Teresa S. Buño

[ERRATUM: The caption for the above photo was mistakenly published in the printed edition. It should have been read as “Si Mayor Thony Halili habang nagbibigay ng mensahe kaugnay ng magandang naging performance ng Lunsod ng Tanauan sa CMCI.” Pahayagang BALIKAS regrets the error.]

Share this:



Copyright 2016 balikas.net

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *