News Politics

Suspension Order vs Mayor Sabili, politically-motivated?

By BALIKAS News Team

“ANO kaya ang gusto palabasin ng kampo ni Vice Mayor (Eric) Africa sa pagpapakalat sa buong lipa ng suspension order ni Mayor (Meynard) Sabili? Atat na atat makaupo? Naninigurado na ma-implement ang suspension order para maupo syang mayor dahil sa politicaly motivated na suspension order na yan? Nsan and delikadesa? WALA BANG MEDYO MABIGAT NA DAHILAN NG SUSPENSION? YUNG PAGNANAKAW O PAGMAMALABIS MAN LANG HINDI YANG PAGLILIPAT NG EMPLEYADO SA GINAGAWA NMAN NG LAHAT NG NAKAUPO?”

Ito ang pambungad ng pahayag ni Gng. Bernadette P. Sabili, maybahay at Chief of Staff ni Mayor Meynardo Sabili ng Lunsod ng Lipa, nitong nakaraang Linggo o ilang araw matapos ibaba ng Department of Interior and Local Government (DILG) – CALABARZON ang isang Memorandum Circular kaugnay ng Desisyon ng Office of the Ombudsman sa kaso ng isang dating kawani ng pamahalaang lunsod ng Lipa laban kay Mayor Sabili.

Sa nasabing Memorandum na may petsang Hulyo 31, 2018 na pirmado ni DILG-Regional Director Manuel Q. Gotis, isinasaad dito ang nauna umanong Memorandum ni DILG Undersecretary Austere A. Panadero na nag-uutos ipatupad ang parusang One Year Suspension from Office Without Pay laban kina Mayor Meynard Sabili at Atty. Leo S. Latido, City Administrator.

Laman ng naturang Memorandum kay Gobernador Hermilando I. Mandanas na nagsasaad na makikipag-ugnayan umano sa Tanggapan ng Pununlalawigan si DILG-Batangas Director Adelma D. Mauleon upang matiyak ang pagpapatupad ng nabanggit na desisyon ng Ombudsman.

Nag-ugat ang kaso sa pakapaglipat sa naghablang si Gng. Teresita T. Pesa mula sa sa pagiging hepe ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Tanggapan ng City Administrator noon pang Marso 2012. Naunang naisampa ang reklamo sa Civil Service Commission noong taong 2013 hanggang sa makarating nga sa Ombudsman noong Setyembre 10, 2015. Matapos ang matagal na palitan ng mga salaysay at mga apela, inirekomenda ni Graft Investigation and Prosecution Officer Raphael Lorenzo at inaprubahan naman ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales noong Hunyo 27, 2018 o ilang linggo bago nagretiro si Morales.

Nabatid naman na pagkatanggap ng alkalde sa naturang Desisyon ng Ombdsman, di naglaon at inihain din ni Sabili ang kaniyang Petition for Review with Prayer for Temporary Restraining Order /Injunction.. Nito namang Biyernes ng hapon, tinanggap ni Gobernador Mandanas ang naturang Memorandum kaya’t ipinagbigay-alam ito sa alkalde.

Samantala, inisa-isa naman ni Gng. Sabili ang kaniya umanong mga kadahilanan kung bakit ni ya masasabing politically motivated ang issue ng naturang suspension gaya ng:

“1. Ang sinasabing paglilipat kay Ms Tess Pesa ay naganap 2012 pa at dalawang (2) beses na na-reelect si Mayor Sabili simula noon;
2. Si Ms Tess Pesa ay naibalik na sa mother unit nya long before her retirement (3yrs na siyang retired)
3. Wala na pong claim ang complainant na si Ms Tess Pesa sa usaping ito sa katunayan sya mismo ay personal na nagsadya sa Civil Service at may kalakip ding statement nya mismo 3 or 4 yrs bago siya magretiro 2 yrs ago saying that she’s well taken cared of by the mayor at lahat ng dapat sa kanya ay naibigay sa kanya. In short wala nang complainant sa kasong ito pero paano nangyari na pagkatapos ng maraming taon ay may lumabas na suspension? Sino ang nasa likod ng injustice na ito?
4. Nang malaman ni Ms Tess Pesa ang suspension two (2) weeks ago ay boluntaryo siyang gumawa ng statement clearing the mayor and appealing na ma-grant ang TRO ni mayor dahil wala syang (mayor) kasalanan
5. Buhay at malakas pa si Ms Tess Pesa na pwedeng tanunging ukol sa usaping ito.
6. More than two (2) yrs ago upon the retirement of Ms Pesa ay isa kami ni mayor na iilang naimbitahan na kung saan ay ipinahayag niya ang pasasalamat kay Mayor Sabili at ang kanyang paghanga sa matapat na panunungkulan ng mayor sa lipa.
7. The mayor and myself are friends with Ms. Tess Pesa in fact as the mayor’s sign of his recognition (pagkilala) of her service to the city government ay ini-appoint niya ang nag-iisang anak ni Ms Pesa na si Carmelo Pesa bilang presidente ng Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa kung saan ay hawak niya ang posisyon hanggang sa kasalukuyan. Sinong ina ang gugustohing gawan ng di mabuti (this suspension) ang mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa kanyang anak.
8. Ms Pesa is now enjoying the fruits of her labor after her retirement. Walang unpaid salaries or any claim.
9. Ang paglilipat ng empleyado ay ginagawa ng sinumang nakaupo maaari nga lamang na sa iba-ibang dahilan: nung panahon ni Mayor Vilma (Santos-Recto) ay may tinatawag na “iwahig” kung saan ang mga naka-float na department head(s) ay doon inilagay. Ang mga department heads na na-iwahig ay nasa serbisyo pa sa kasalukuyan. May dahilan marahil sila sa pagpo-float ng mga department heads at marahil ay prerogatibo nila yun para maayos ang sistema. Nung panahon ni Mayor (Oscar) Gozos ay isa mismo si Ms Lorna Africa sa nai-float na department head marahil ay may dahilan din si Mayor Gozos. Sa panahon ni Mayor Sabili ay nagkaroon din ng pansamantalang paglilipat para maisaayos ang ilang usapin pero bukod tanging siya lang ang binibigyan ng 1 yr suspension, 7 years after the said transfer at wala nang complainant.”

Kumalat sa social media ang pahayag na ito ni Ginang Sabili.

Dagdag pahayag niya, “Sa mga taong di sarado ang isip kayo na po ang bahalang mag-isip. Is this the prize he has to pay for being righteous, ang hatakin pababa ng mga taong di matanggap na mahal si MAS ng maliliit na Lipeñ dahil nakakitaan din siya ng totoong pagmamahal sa mahihirap na tao? Ito lang masasabi ko. Nobody can put a good man down. 8 taon na ninyong inaambisyon mapatalsik si Mayor Sabili di kayo nagtagumpay at naniniwala ako kasama namin ang Diyos hanggang sa dulo ng kanyang termino. Bakit di na lng kayo makipagtulungan para mas maging maayos mga lipenyo. 9 months na lng tapos na si mayor di ba kayo makapaghintay o takot kayo sa laban. Good mayors are elected by the people hindi yung basta uupo dahil ginamitan ng kasinungalingan at kasamaan! Matakot kayo sa Dios! GOD BLESS LIPA!”.

Hanggang sa matapos ang nagdaang linggo ay hindi pa rin naipatupad ng DILG ang naturang suspension habang nakapaghain naman umano ng Petition for Review with Prayer for Temporary Restraining Order /Injunction. ang kampo ni Mayor Sabili.|#BALIKAS_News