Isang Linggong Kapalaran - Ika-23 hanggang ika-29 ng Agosto, 2010

DAGA (1948, 1972, 1984, 1996, 2008)- Susuwertihin ka, maging sa sugal. Sa pag-ibig, madali kang makakahanap ng mga salita at kilos na magpapahupa sa tensyong kinasasangkutan ninyo ng iyong kabiyak. Lalala ang iyong eczema dahil sa stress at nerbyos sa iyong pagtatrabaho. Hindi mo maiiwasan ang pagtatalo sa larangan ng iyong trabaho. Samantala, magpapakita ng pagsuporta ang iyong mga kaibigan, gayundin ng debosyon sa iyo.

KALABAW (1949, 1961, 1985, 1997, 2009)- Napakaganda ng linggong para sa iyong mga pagkilos. Kung nag-iisa ka pa sa iyong buhay, makakatagpo ka na ng makakatuwang sa panahong ito. Makararanas ka ng kahirapan sa pagtunaw ng pagkain, kaya kontrolin ang pagkain. Mag-ingat sa mga payo ng ilang malalapit sa iyo, dahil dadalhin ka nito sa mapanganib na pagwawaldas at pagkawala ng malaking halaga ng salapi.

Tigre (1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010)- Magagawa mo madala sa tagumpay ang isang malaking proyekto. Ipagpatuloy mo lamang ang pag-iingat sa mga relasyong makakatulong sa iyo, magagamit ito sa mga darating na pagkakataon. Sikapin mong mamuhay nang masaya sa halip na magreklamo hinggil sa iyong mga suliranin. Makararanas ng labis na pagod at depresyon.

KUNEHO (1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011)- Makakagawa ka ng tatlong kinahihiligan mong mga bagay sa iisang pagkakataon. Makakaranas ka ng pananakit ng ulo, hirap sa paghinga at abnormal na pagkapagod. May darating na pagkakataong kakailanganin ang iyong disisyon hinggil sa pangangapital, mahihirapan ka. Risks of headache, shortness of breath, and abnormal fatigue. Sa iyong tahanan, susubukan mong takasan ang mga pang-araw-araw na gawain, ngunit para walang maireklamo ang iyong asawa ay gagawa ka.

DRAGON (1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012)- Ang iyong pagiging positibo ang pananaw at pakikipagkapwa ay magbibigay sa iyo ng maraming simpatiya. Matutuwa ka sa kasalukuyan hugis ng iyong pangangatawan, ipagpatuloy mo lang ang iyong diyeta. Maging matikas ka sa pakikitungo sa iyong mgaanak. Sanayin mo ang iyong sarili na magkaroon ng malusog na kaisipan, upang madali mong magagawan ng solusyon ang mga paparating na suliranin.

AHAS (1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013)- Marami kang kailangan tapusin sa iyong trabaho, gayundin ay darami ang iyong responsibilidad sa loob ng pamilya. Makakatagpo mo ang taong iyong makakatuwang habang ikaw ay nasa isang paglalakbay. Bigyan mo agad ng solusyon ang suliranin sa pananalapi bago pa ito lumalala. Ikonsulta agad sa iyong doktor kung may ‘di magandang nararamdaman sa iyong kalusugan. Magpahinga ka agad bago pa makaramdam ng mapagod.

KABAYO (1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002)- Iwasan mo muna ang pakikipagsapalaran. Madali kang maakit sa pakikipagtalik. Ingatan ang iyong panlabas na anyo, bibigyan ka nito ng suwerte. May mga ‘di inaasahang pagbabago sa iyong trabaho. Mag-ingat ka sa mga impeksyon gaya ng nakahahawang sakit sa pakikipagtalik.

KAMBING (1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003)- Magkakaroon ka ng paglalakbay, maaaring ito ay patungo sa labas ng bansa. Magpapakita ka ng inisyatibo sa iyong pagtatrabaho. Pag-aralan mo ang magandang ugali na kapag dumating o nariyan na ang obligasyon ay gawin agad ito. Ang labis na pagod ay makakapagpababa ng resistensya ng iyong katawan, kung kaya’t madali kang kakapitan ng mga sakit. Magkaroon ka ng sapat na pahinga. Magiging sensitibo rin ang iyong lalamunan.

UNGGOY (1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004)- Giginhawa na ang iyong suliranin pangkalusugan, lalo na sa puso. Magkakaroon ka ng maaliwalas na pamumuhay, makakamit ang mga tagumpay, at ang mga kinaiinisan ay madali mong mapapangibabawan. Ipasyal mo ang iyong anak sa labas, sa restoran. Papaboran ng mga bituin ang iyong buhay pag-ibig, ang iyong makakatago ay makakapagpabago ng buhay.

TANDANG (1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005)- Maraming darating na suliranin sa iyo, ngunit lilisan din ang mga ito, gamitin mo lang lahat ng iyong nalalaman. Makararanas ka lagi ng kapaguran, dahil ito sa iyong hindi malusog na pamumuhay. Huwag mong balewalain ang benipisyo ng pagbabasa, nakapagdudulot din ito ng kasiyahan at pagiging relax. May lalapit sa iyo na bagong mukha upang makipagkilala. Makikilala sa iyong kumpanya bilang mabilis tumugon o sumagot.

ASO (1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006)- Magbubunga ang iyong mga pagsusumikap sa trabaho bagaman maaaring makaranas ka ng kabiguan sa ibang aspeto ng iyong buhay. Makararanas ng suliranin sa daanan ng ihi, maaaring dulot ng pamamaga. Gagawin mo ang lahat upang hindi pasukin ng kabagutan ang iyong buhay. Ang paparating na suwerte sa iyong pang-materyal na pangangailangan ay magpapabalik sa tiwala mo sa iyong sarili. Lahat ng iyong ninanais para sa kapakanan ng iyong pamilya ay papaboran. Bisitahin mo ang iyong mga magulang.

BABOY (1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007)- Ang iyong linggo ay mapupuno ng mga pagbabago sa maraming aspeto ng iyong pamumuhay, sabayan ang mga ito. Makakaramdam ka ng pag-ibig sa unang tingin. Gamitin mo ang iyong araw ng pahinga sa angkop na gawain sa halip na sa pag-iinom o panonood ng telibisyon. Nagawa mo na ang lahat ng iyong makakaya upang manatili ang kapayapaan sa iyong tahanan, ngunit hindi ka pa nagtatagumpay. Tanging dahilan mo na lamang ay ang pagiging hindi makatuwiran ng iyong asawa, ngunit siya ay mag-aalma hinggil dito.