News

Outstanding Mayor Awards ng Superbrand, nakuha ni Mayor Meynard Sabili ng 7 taon!

LIPA City – PATULOY na ipinakita ni Mayor Meynardo A. Sabili ng lungsod na ito na may dahilan para siya’y pagtiwalaan ng kaniyang mga kababayan bilang ama ng lungsod matapos na muling kilalanin bilang natatanging punong lungsod ng isang award-giving body.

Nito lamang nakalipas na buwan, sa ika-pitong pagkakataon, kinilala ng Superbrands Marketing International si Mayor Meynard bilang Most Outstanding Mayor of the Philippines 2019.

Ang Superbrands Marketing International ay isang prestihiyosong award-giving body na kumikilala hindi lamang sa mga nangunguna at natatanging liderato sa larangan ng serbisyo publiko, kund maging sa pribadong sektor at nangunguna o kilalang produkto sa merkado.. 

“Ang karangalan pong ito ay isang malinaw na pagpapatunay ng tuluy-tuloy at walang humpay na pagpapatupad ko ng mga programang pangkaunlaran dito sa ating lungsod,” pahayag ni Mayor Meynard.

“Nag-aalab po ang aking pasasalamat sa lahat ng ating mga department heads sa inyong suporta, sa aking may bahay, Mayora Bernadette Sabili sa walang sawang pagmamahal at suporta at higit sa lahat sa buong sambayanang Lipeño, maraming maraming salamat po! Para po sa inyo ang karangalang ito. Mabuhay ang lungsod ng Lipa!,” dagdag pa ng alkalde.

Bukod sa pitong (7) beses na paghirang sa kaniya ng Superbrand marketing International bilang Most Outstanding Mayor, maraming beses ding kinilala ang liderato ni Mayor Meynard ng iba’t ibang award-giving bodies mula sa pribado at pampublikong sektor at mga ahensya ng pamahalaang nasyunal.

ININDORSO Davao City mayor Sarah Duterte, anak ni Presidente Rodrigo Roa Duterte at campaign manager ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang buong slate ng Team Sabili-Umali sa pangunguan nina Congressional candidate Meyrado Sabili, mayoralty candidate Bernadette Sabili at vice mayoralty candidate Ruben Umali, at ilang senatoriables sa ginanap na Proclamation Rally ng HNP sa Lipa City, Marso 10.|Contributed Photo

Samantala, ginawang halimbawa ni Mayor Bernadette ang magkatuwang na liderato nina Batangas City Lone District Congressman Marvey Mariño at ng kaniyang maybahay na si Mayor Beverly Rose A. Dimacuha, na aniya’y magandang ehemplo ng solidong pagtutok sa pagpapaunlad ng lungsod.

“Tingnan na lamang natin ang magandang tambalan nina Congressman Mariño at Mayor Beverly na dahilan para lalong maging progresibo ang syudad nila, at yan din ang dahilan kung bakit buo ang aming paniniwala na higit naming mapaglilingkuran ang mga Lipeño kung si Mayor Meynard Sabili ang maihahalal na Congressman at ang inyong lingkod naman bilang city mayor,” pahayag ni Mayora Bernadette.

Aniya pa, tatlong termino ni Mayor Meynard ay nanatili siyang katuwang ng alkalde sa mga serbisyo publiko, sa kaniyang pribadong kasidad bilang pangulo ng M.A.S. Foundation, Inc.. Manalo man o matalo sa naging laban niya dati, nanatili siyang naglilingkod sa lungsod.

Kaugnay nito, nakatitiyak aniya ang mga taga Lungsod ng Lipa kung siya ang pagkakatiwalaang magpatuloy at magdagdag ng mga serbisyo sa mga Lipeño bilang alkalde at si Mayor Meynard naman ang bahalang maging kinatawan ng lungsod sa pamahalaang nasyunal.

Sa Lungsod ng Batangas, patunay sa mabilis na pagsulong ng lungsod sa ilalim ng liderato nina Mariño at Dimacuha ang malalaking pagawaing bayan, mga school buildings at programa sa mga barangay at ang pagdagsa ng mga nagnenegosyo sa lungsod.

“Lahat ng mga anak namin ay nakapag-aral na at maayos na ang buhay, kaya hindi na pangangambahan o para pagdudahan na kaya kami tumatakbo ay para mabuhay ang aming pamilya, sapagkat kahit paano ay may ikinabubuhay naman kami, ngunit hindi lamang naming pwedeng basta talikuran ang mga pangangailangan n gating mga kababayan para sa tuluy-tuloy na serbisyo publiko,” pagtatapos pa ni Mayora Bernadette Sabili.|BALIKAS News