Umaapela ang pamahalaang bayan ng San Nicolas na huwag tuluyang
tanggalin ng Provincial Task Force on Environmental Law Enforcement
ang mga nakahambalang na baklad sa may Lawa ng Taal.
Giit ni Mayor Epifanio Sandoval, ilan sa kanyang mga kababayan
ay sa baklad kumukuha ng ikabubuhay kayat marami aniyang
maaapektuhan kung aalisin ang mga ito.
Katunayan aniyay aabot sa kulang-kulang P400,000 ang
maaaring mawala sa kita ng kanilang bayan sakaling alisin
ang mga naturang istrakturang ginagamit para makahuli ng ligaw
na isda.
Kayat sa halip na alisin ay nirerekomenda ni Sandoval
at ng kanyang bise alkalde na si William Enriquez na bawasan
na lamang ang kasalukuyang dami ng baklad sa lawa at iregulisa
ang operasyon nito gaya ng fish cages.
Ginigiit pa nilang walang anumang alternatibong kabuhayang
nakalaan ang pamahalaan para sa mga operator ng baklad na
matatamaan ng isinasagawang pagbabaklas.
Pero maliwanag namang nakasaad sa ilalim ng Fisheries Administrative
Order No. 216 na bawal ang maglagay ng anumang istraktura
gaya ng baklad na maaaring makasagabal sa daloy ng tubig ng
lawa o iba pang katubigan sa bansa.
Sinumang mapapatunayang nagkasala ay maaaring mapagmulta ng
P2,000 hanggang P10,000 o di kayay mabilanggo
ng anim na buwan hanggang isang taon.
Bawal din ang baklad sa ilalim ng inaprubahang Unified Rules
and Regulations for Fisheries (URRF) sa Lawa ng Taal maliban
na lamang sa bayan ng Sta. Teresita.
Paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, mahigpit
na ipinagbabawal ang paglalagay ng baklad sa nasabing lawa
dahil nananatili itong banta sa populasyon ng mga endemic
specie gaya ng palawon, na tanging sa nasabing lawa lang matatagpuan.
Kadalasan pay mga sexually matured na ang sumasabit
na isda sa patibong ng baklad kung kayat maaaring maubos
ang lahi palawon kung di maaagapan ang pagdami ng baklad.
Kung pagbabatayan din lamang ang batas at ang siyentipikong
pagpapaliwanag ay wala na talagang dapat na nakatayong baklad
sa Lawa ng Taal.
Ngunit hindi na rin kataka-takang nananatili pa rin ang mga
ito.
Bukod sa kumikita ang mga may-ari ng baklad tila may basbas
ng mga lokal na opisyales, na sa halip na magpatupad ng batas
ay siyang kumukunsinte sa mga paglabag dito.
At nang dahil na rin sa pagbubulag-bulagan at pagkunsinteng
ito kung kayat patuloy na inaabuso ng mga tao ang likas-yaman
ng Lawa ng Taal.
Oo ngat kumikita ang mga operator ng baklad pero yan
ay sa ngayon lamang.
At kung patuloy na huhulihin ang mga inahing isda ay darating
ang araw na mauubos ang kanilang lahi at wala nang mahuhuli
pang isda ang mga baklad.
Bakit natin kailangang ipagpilitan ang bawal lalo pat
kung ang kapalit naman nitoy pagkasira ng kalikasan?
Sa ngayon ay naninindigan ang Task Force na walang kompromiso
pagdating sa kalikasan kung kayat nakahanda silang tanggalin
ang mga abandonadong fish cage sa lawa kabilang na rin ang
mga baklad.
Mula ika-9 ng Oktubre ay umaaabot na sa 344 na baklad ang
nabaklas sa mga bayan ng Agoncillo at San Nicolas at patuloy
pa rin ang operasyong ito.
Sana ngay talagang seryoso ang Task Force sa kanilang
hangarin nang sa gayoy maisaayos at mapanumbalik sa
dating anyo ang Lawa ng Taal.