Mga tanod, tumanggap ng 6,000 piso

Ika-15 ng Pebrero, 2010 | LUNGSOD NG BATANGAS- Tumanggap ng dibidendo mula sa kanilang insurance para sa limang taon ang may 600 barangay tanod ng Lungsod na ito nitong ika-15 ng Pebrero.

Sa unang pagkakataon, ang mga tanod ay tumanggap ng dibidendong tinatawag na “living benefit” sa halagang mula 1,000 piso hanggang 6,000 piso batay na rin sa polisiya na natanggap sa Fortune Life Insurance.

Ang naturang insurance ay binabayaran ng pamahalaang lungsod para sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kanilang lugar, at upang may matanggap silang benepisyo kung sa sandaling may mangyari sa kanila sa paglilingkod kagaya ng pulis na may kaakibat ding panganib. Bukod dito, mayroon din silang mga death benefit.

Sa loob ng limang taon ay 2.5miyong piso ang inihuhulog na premium ng pamahalaang lunsod kada taon sa nasabing insurance. May naghihintay na ring benebisyo para sa mga ibang mga opisyal ng barangay na ngayon ay nasa dalawang taon ng naiipagbayad ng gobyerno.
..................................................................................................................................................