Ika-25 ng Enero, 2010 | LUNGSOD NG QUEZON- Tinatayang nasa isa sa tatlong pagbubuntis (36%) ng mga kababaihan sa Pilipinas ay hindi gusto o hindi napapanahon, ayon sa resulta ng 2008 National Demographic and Health Survey (NDHS) na isinagawa ng National Statistics Office (NSO).
Ang mga hindi planadong pagbubuntis ay higit na nangyayari sa mga may edad nang kababaihan, may edad 40 hanggang 40 taong gulang ay nagbuntis. Sa mga kababaihang nasa 15 hanggang 19 taong gulang, 31% lamang ang hindi planado kumpara sa matatanda na umabot sa 53%.
Ibinatay ang mga datos na ito sa nakapanayam na kababaihang may edad na 15 hanggang 49 taong gulang sa tanong na kung ang kanilang pagbubuntis sa loob ng limang taon ay kagustuhan nila, nasa tamang panahon o hindi nila gusto.
Samanlata, itinanong din sa mga kakabaihang nakapanayam sa survey ang kanila ang angkop na dami ng anak. Lumalabas na apat sa 10 kababaihan ay nagnanais ng dalawang anak lamang kung sila ay papipiliin, at tatlo sa 10 kababaihan ang nagsabing nais nilang magkaroon ng tatlong anak. Nasa mababang porsyento (14%) naman ang bilang ng mga kababaihang nagnanais magkaroon ng apat na supling.
Ang 2008 NDHS ay isang survey na isinasagawa sa buong bansa at kinalalahukan ng 14,000 pamilya at 14,000 kababaihan. Isinagawa ito mula ika-7 ng Agosto hanggang ika-27 ng Setyembre, 2008.
..................................................................................................................................................