Mahogany, gmelina o katutubong puno sa muling pagsasagubat?

Ika-9 ng Agosto, 2010 | LUNGSOD NG QUEZON- Dahil sa nauubos na ang kagubatan ng Pilipinas, na ayon sa datos ng grupong Rain Forest Restoration Initiative (RFRI) ay 24% na lamang sa kasalukuyan ang natitira at ito ay may malaking epekto sa mga watershed o pinagmumulan ng tubig, naging mainit na paksa ang pagtatanim ng mga dayuhang puno sa halip na katutubo para sa muling pagsasagubat o reforestation.
..................................................................................................................................................

Gulayan, maisan sa Lipa, sinalakay ng armyworms

Ika-9 ng Agosto, 2010 | LUNGSOD NG LIPA- Umaabot na sa pitong ektarya ng maisan at gulayan ang lubhang nasalanta dulot ng pagsalakay ng army worms sa mga barangay ng San Benito, Anilao Labac, at Lumbang ng lungsod na ito, ayon sa pinakahuling datos ng City Agriculture Office (CAO) dito.
..................................................................................................................................................

Pagpapangalan ng proyekto sa ngalan ng pulitiko, kasong kriminal

Ika-9 ng Agosto, 2010 | LUNGSOD NG PASAY- Wala nang sinumang opisyal ng pamahalaan ang makakapag-angkin o makapaglalagay sa kanilang pangalan sa kahit anong imprastrakturang maipapatayo kapag ang panukalang batas na isinusulong ni Senador Chiz Escudero ay naipasa.
..................................................................................................................................................

Patimpalak para sa mga taga-media, bukas na

Ika-9 ng Agosto, 2010 | STO. TOMAS, Batangas- Simula sa ika-11 ng Agosto, ang patimpalak para sa lahat ng mga manunulat, mamamahayag, at mga photographer ay magbubukas na, at maaari nang makapagsumite ng kanilang mga gawa at makasali sa 4th BrightLeaf Agriculture Journalism Awards.
..................................................................................................................................................

Panukalang batas ni Mandanas, magbababa ng singil sa buwis

Ika-9 ng Agosto, 2010 | LUNGSOD NG BATANGAS- Nagnanais na baguhin ng inakdang panukalang batas, ang House Bill No. 1970, ni Congressman Hermilando Mandanas, Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Batangas, ang sistema ng Value-Added Tax (VAT) tungo sa Value Simplified Tax (VAST), kung saan mababawasan ang halaga ng buwis mula sa 12% pababa sa 6% sa lahat ng produkto at serbisyong nasasaklawan ng VAT.
..................................................................................................................................................

SMART, namahagi ng mga batingaw, sim card sa Batangas

Ika-9 ng Agosto, 2010 | LUNGSOD NG BATANGAS- Bagaman naibaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong ika-2 ng Agosto sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal mula sa Alert Level 2, ang SMART, isang kumpanya ng telekomunikasyon, ay namahagi pa rin nitong ika-5 ng Agosto ng mga kagamitang magbibigay babala sa sandaling pumutok ang Bulkang Taal.
..................................................................................................................................................

Gov. Vi, dismayado sa paglilinis sa coal spill

Ika-9 ng Agosto, 2010 | LUNGSOD NG BATANGAS- Dahil sa mabagal na operasyon ng paglilinis sa nakaraang pagtapon ng uling (coal spill) sa Nasugbu, ipinatawag ng Sangguniang Panlalawigan ang mga grupong sangkot at apektado sa nakaraang pagdinig nitong ika-4 ng Agosto.
..................................................................................................................................................

Maka-kalikasan, mapormang bag, inilunsad ng SM Batangas

Ika-9 ng Agosto, 2010 | LUNGSOD NG BATANGAS- Sa pamamagitan ng isang fashion show, inirampa ng mga modelo ang bagong eco-bag bilang paglulunsad nito sa SM City Batangas nitong ika-6 ng Agosto.
..................................................................................................................................................

Mahabang tag-init, ‘di balanseng ekosistema, sanhi ng pagdami ng armyworms

Ika-2 ng Agosto, 2010 | LUNGSOD NG BATANGAS- Ang pagkakaroon ng mahaba at matinding tag-init ang isa sa dahilang natukoy ng Provincial Agriculture Office (PAO) ng Batangas sa pagdami ng pesteng armyworms na nanalasa sa 1,547 ektaryang taniman sa buong probinsya ng Batangas.
..................................................................................................................................................

Alkalde, nanawagan sa mga magulang hinggil sa nutrisyon

Ika-2 ng Agosto, 2010 | LUNGSOD NG BATANGAS- Sa mga magulang ng mga kabataan, bigyan ng panahon at oras ang inyong mga anak lalo na sa pagbibigay ng masusustansyang pagkain, at hindi hadlang ang kahirapan para hindi makapagpakain ng masusustansya.
..................................................................................................................................................
Go to page   <<        >>