F.E.S.T. Lifetimes

Kauna-unahang Mr. & Ms. Tanauan City Hall, kinilala sa pagdiriwang ng CSC Month

TANAUAN City – Labing-anim na pares mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang nagharap-harap upang masungkit ang titulo ng kauna-unahang Mr. & Ms. Tanauan City Hall sa patimpalak na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-119 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service, Set. 27.

Isinagawa ang programa sa pangunguna ni Mayor Mary Angeline Halili na kinatawan ni City Administrator Allan P. Credo, Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr. at ang mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod ay naglalayong higit na palakasin ang kumpiyansa sa sarili ng mga empleyado at maging bihasa sa pagharap sa maraming tao lalo pa’t ang larangan ng serbisyo publiko ay nagtataglay ng kakayahan sa agarang pagtugon sa mga mahahalagang pangangailangan ng mga mamamayan.

Sa naturang kompetis-yon, ibinida ng mga kalahok ang kanilang casual at semi-formal wear at nakipagtagisan ng talino sa Question and Answer portion.

Hinirang na Mr. & Ms. Tanauan City Hall sina Mr. Ian Kenneth Redondo ng City Accounting Office at Ms. Angeline Aringo ng General Services Office (GSO) samantalang kinilala naman bilang 1st runner-up sina Mr. Liel Roe Salazar ng Sports Develop-ment Office (SDO) at Ms. April Joy De Torres ng City Social Welfare and Development (CSWD), at 2nd runner-up sina Mr. Vhilly Joe Villar ng Gender and Development Office (GAD) at Ms. Aizza P. Dalisay ng City Agriculture Office (Agriculture).

Hinirang na Mr. & Ms. Tanauan City Hall sina Mr. Ian Kenneth Redondo ng City Accounting Office at Ms. Angeline Aringo ng General Services Office (GSO); 1st runner-up naman sina Mr. Liel Roe Salazar ng Sports Development Office (SDO) at Ms. April Joy De Torres ng City Social Welfare and Development (CSWD), samantalang 2nd runner-up sina Mr. Vhilly Joe Villar ng Gender and Develop-ment Office (GAD) at Ms. Aizza P. Dalisay ng City Agriculture Office (Agriculture).| RODERICK LANTING

Kabilang naman sa mga pinagkalooban ng special awards sina Mr. SDO at Ms. GSO para sa Best in Production Number, Best in Casual Wear sina Mr. GAD at Ms. GSO, Photogenic sina Mr. Benz Harold Tabanag at Ms. Rachelle Buno ng BPLIO; Mr. & Ms Congeniality sina Mr. GAD at Ms. BPLIO; Mr. & Ms. Mc Smile sina Mr. Jeffrey Amurao ng City Health Office at Ms. CSWD; Netizen’s Choice Award sina Mr. BPLIO at Ms. Agriculture; Best in Semi-formal Wear sina Mr. BPLIO at Ms. Agriculture at Employee’s Choice Award sina Mr. Health at Ms. Ma. Reinelle Maliksi ng Sangguniang Panlungsod.

Kaugnay pa rin sa naturang selebrasyon, isinagawa ang taunang pagpaparangal ng mga natatanging kawani ng pamahalaang lungsod na nagpakita ng magandang ehemplo at dedikasyon sa kanilang trabaho.

Pinarangalan sina Maribel U. Enriquez bilang Model Job Order Employee; Sherwin M. Rimas bilang Model 2nd Level Employee at Emelda O. Padilla bilang Model 1st Level Employee. Kinilala rin ang mga kawaning naglingkod sa lokal na pamahalaan sa mahabang panahon. Kabilang dito sina Maxima Ama, Victorina Cacayorin, Lorna Lapitan, Barbara Olea, Elena Muhallin at Bernard Tapia na naglingkod ng 30 taon at sina Lorenzo Pedraja at Julia Rimas na 40 taon sa serbisyo.

Nagsagawa din ng iba’t ibang aktibidad sa tinaguriang Grand Fun Friday tulad ng Parade of Heroes kung saan pumarada ang mga kawani suot ang iba’t ibang superhero costumes; Employees Food Expo/Ba-zaar tampok ang mga pro-duktong gawa ng mga emple-yado;Amazing Mindgames, judging of office decoration na may temang ‘Superheroes’, libreng masahe at gupit ng buhok at ang Grand Zumba pagkatapos ng coronation.

Aktibo ring nakiisa sa pag-titipon ang mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod.| LAC Villajuan & MJ O. Nones