HS principal, kritikal matapos tambangan ng riding-in-tandem; DepEd nababahala na

LUBOS na ikinababahala ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang magkasunod na insidente ng pananambang sa ilang opisyal ng kagawaran nitong Lunes at Martes.

Ito’y matapos magkasunod na tambangan ang isang principal sa Batangas ilang oras lamang matapos paslangin sa loob mismo ng isang campus si Pagadian City ang katatalangang si Schools Division Superintendent Marcom Borongan ng Zamboanga del Sur.

Nitong Martes ng umaga, nasa kritikal na kondisyon matapos tambangan ng di pa nakikilalang salarin sa kahabaan ng national highway sa may bahagi ng Barangay Pinagtong-ulan, Lunsod ng Lipa ang principal ng Alitagtag national High School.

Sa ulat ng pulisya, minamaneho umano ng biktimang si Emily Mallari, 39 anyos, resident eng San Jose, Batangas, ang kanyang kotseng may plakang AAK-2146 nang sabayan siya ng riding in-tandem at agad pinagbabaril pagsapit sa naturang lugar.

Kaagad tinamaan ng magkakasunod na putok ng baril ang biktima at tumagos ang isang bala sa kaniyang panga, dahilan upang mawalan siya ng control sa pagmamaneho at sumalya sa gutter ng kalsada ang kaniyang sasakyan.

Kaagad namang sumaklolo ang ilang barangay tanod na nakakita sa sinapit ng biktima at kaagad siyang isinugod sa Metro San Jose Medical Center sa bayan ng San Jose, bago pa nailipat sa Mary Mediatrix Medical Center sa lunsod na ito bunsod ng matinding tama sa ilang bahagi ng katawan.

Patuloy pa ring inaalam ng otoridad ang ang motibo ng pamamaril samantalang pinakilos na ng pambansang pulisya ang mga tauhan nito para sa posibleng ikadarakip ng salarin.

Sa naturang magkasunod na krimen, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Brinones na lubhang nakababahala ngayon ang seguridad ng mga opsiyal ng kagawaran.

“The DepEd expresses great concern over the recent incidents of violence against its personnel, the latest of which is the attempt on the life of a high school principal from San Jose, Batangas,” pahayag ng DepEd sa website nito.

“The DepEd strongly reiterates its firm stand against all acts of violence and extends the same call for the safety and protection of its learners, teachers and personnel in and outside school. We enjoin everyone in the prayer for Mallari’s full and speedy recovery,” pahayag pa ng kagawaran.|JOENALD MEDINA RAYOS

Share this:



Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *