Opinions

Hirit  ni Napoles na makalaya, ibinasura ng SC

DAANG libo ang bagong gradweyt nag K-12 sa bansa. Sa PMA daw sila papasok.PMAPahinga Muna Anak.

Kahit may epidemya ng tigdas ay nabalewala daw ang aksiyon ng DOH. Kasi ayaw nang magpabakuna ng mga pasyente.

Nasa 5,537 OFWs ang mayroong HIV-AIDS, kung saan ay 11% sila sa kabuuang 52,280 kasong nailista ng DOH National HIV/AIDS registry nitong February 28. Nakababahala raw ang bilang na ito dahil ang mga OFWs na ito ay nasa edad 32-34  taon pa lamang, ang edad nang kalakasan nila. Dapat maging agresibo ang DOH sa desiminasyon ng impormasyong ito upang maiwasang mahawa ang iba pang OFWs.

Ayon kay Joma ay hindi taos sa puso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa pagitan ng NPA at gobyerno. Ano nga raw ba ang halaga ng peace talks kung araw-araw ay may ina-ambush na militar.

Daming gustong gawin daw ang LTFRB tulad ng GPS at CCTV sa mga bus at franchise application ng TNVS. Eh bakit kaya hindi unahin ang pag-isyu ng matagal nang kulang na mga plaka at lisensiya!

Noon pa raw sanang Marso ipa-fire out ni Pangulong Digong si Wiguirre, ehe si Aguirre dahil sa isyung pagwalang- sala sa mga kumpirmadong drug lords, pero hindi naipatupad ng Pangulo. Kasi, Fire Prevention Month daw noong Marso.

Wala na raw supply ng NFA rice sa palengke. Hindi ito nawala. Tumaas lang ang presyo, dahil napalahok na sa mamahaling bigas. Ang presyo lang ang nawala, kasi sobrang tumaas.

Kung gusto raw makita ang maraming NFA rice ay sa bodega ng mga rice trader sila maghanap na siyang pumapakyaw nito.Kaya lang, baka nailahok na sa mga mamahaling bigas.

Mismong NFA na raw ang nagpahayag na wala na talagang suplay ng bigas. Dapat ang NFA ay gawin na lang No Food Authority.

Dapat na ring sibakin si DOA Secretary Manny Piñol. Isang taon na kasi ang problema sa bigas, pero hindi niya naresolba.

Hindi umubra ang hirit ni Janet Napoles na makalaya dahil ibinasura ito ng Supreme Court. Payo ng mga netizens ay magpraktis na lang siya nang pagkanta, sapaka’t malapit na ang concert niya sa Senado,kung saan ay marami siyang ikakanta.

Ipinahayag ni VP Leni Robredo, ayon daw sa Ateneo analyst na dahil daw sa political dynasty ay laging kasama sa Top 20 poorest provinces ang Nueva Ecija, CALABARZON, Batangas at Ilocos Norte. Ayon naman sa mayoridad na Tanaueños ay namumulitika lang si Robredo dahil hindi niya isinama ang Bicol region gayong halos lahat na barangay sa Tanauan City, lalo na sa Poblacion ay libo ang mga migranteng Bicolano na dito  nakatira at naghahanap-buhay sa Tanauan City dahil sa sobrang hirap ng buhay sa Bicol. Ayon naman sa Philippine Statistics Authority at sa national Economic Development Authority (NEDA)ay kasama ang Ilocos Norte at CALABARZON sa Top 20 Richest provinces!

Sa kanyang talumpati  sa harap ng media ay sinisisi ni CJ Sereno si Pangulong Digong bilang utak ng kanyang  kasong impeachment na nakahain na sa Senado. Sumabog ang Pangulo sa pagkapikon, sabay patutsada kay Sereno  na, “Hindi nga ako nakikialam sa kaso mo! Ngayon ay kaaway mo na ako at uupakan na kita!” ha ha ha!

Mahigpit na pinababantayan  sa mga pulis ni US President Donald Trump ang Texas-Mexico border dahil umano sa talamak na illegal drug trafficking.Binansagan siya ngayong Duterte ng Amerika.

Hindi raw maaaring sibakin ang mga kawani ng mga establisimyento sa Boracay. Eh, papaano naman kaya sila sasahod?

Ipinare-regular ang mga empleyado ng Jollibee. Matuloy kaya?

Hindi raw maaaring sibakin ang mga kawani ng mga establisimyento sa Boracay. Eh, papaano naman  kaya sila sasahod?

Dapat na ring sibakin ang hepe ng Bureau of Customs. Kasi  sa dami pa ring nakakalusot na smuggled goods ay talagang nakaka-adwana!|

Share this: