'ROUND TRIP'. Balik-Lipa na si dating mayor at ngayon ay incumbent Governor Vilma Santos-Recto matapos iproklama ng Provincial Board of Canvassers ang pagkapanalo niya bilang kongrresista ng Lipa City Lone District.|JOENALD MEDINA RAYOS

Gov. Vi, ‘round trip’ sa Lipa

LIPA City – MISTULANG nag-round trip sa Lunsod na ito si incumbent Batangas governor Vilma Santos Recto matapos masungkit ang mandato mula sa mga Lipenyo, ngayon bilang kongresista ng Lipa City Lone District.

Mula sa kabuuang 148,760 botante na aktwal na bumoto, nakuha ng gobernadora ang kabuuang 83,494 boto o 56.12% kumpara sa katunggaling si Gng. Bernadette P. Sabili na nakakuha ng 60,472 o 40.65%. May kabuuang 4,796 ng mga bumotong Lienyo ang hindi pumili ng magiging kongresista ng lunsod.

Ang Lunsod ng Lipa ay may kabuuang 173,854 rehistradong botante. Naitala sa 85.56% ang voters turnout sa partikular na halalan.

Matapos mapangasawa si noo’y Congressman Ralph G. Recto, unang nahalal bilang Pununlunsod ng Lipa si Gov. Vi noong 1998. Hinawakan niya ang naturang posisyon sa tatlong magkakasunod na termino. Sunod dito’y naging gobernador naman sa loob ng tatlong sunud-sunod na termino.

Ngunit hindi naging madali sa gobernador na makuha ang suporta ng mga Lipenyo sa pagsungkit ng pwesto bilang kauna-unahang konggresista ng Lunsod ng Lipa. Nakalamang lamang siya ng may 23,020 boto sa isang hotly-contested fight.|BALIKAS News Team

Share this:



Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *