SI Castromero matapos mapatay sa isang enkwentro sa Balayan, Batangas.|

Engkwentro sa Search Warrant Operation: lalaki patay matapos manlaban sa pulis; baril at shabu, narekober

BALAYAN, Batangas – PATAY ang isang lalaking umano’y nanlaban sa mga operatiba ng Balayan Municipal Police Office na naghain ng Search Warrant pasado alas diyes y media ng gabi nitong Linggo, Mayo 14.

Batay sa ulat na nakalap ng BALIKAS News, kinilala ang napatay na Adrian Castromero y Gadian, alyan “Ron-Ron”, 27 anyos, may-asawa , repairman ng mga motorsiklo, at residente ng Barangay Tanggoy, bayan ng Balayan.

Nabatid na nagsitinungo umano ang grupo ng mga pulis-Balayan sa pangunguna ni PSInsp Allan Avena De Castro, Officer-in-Charge, kasama ang ilang saksi, sa bahay ni Castromero upang ihain ang isang search warrant sa mga inisyu ni Judge Agripino G. Morga, executive judge ng San Pablo City regional Trial Court Branch 29-32.

Kasalukuyan na umanong naghahalughog ang mga opetratiba nang biglang dumukot ng baril si Castromero at itinutok sa mga operatiba. Ito ang dahilan upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili na nagresulta sa dagling pagkamatay ni Castromero bunga ng maraming tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad naming dumating ang Scene of the Crime operatives (SOCO) Team mula sa Cavite Provincial Crime Laboratory Satellite Office sa Lunsod Tagaytay upang magsagawa ng imbestigasyon.

Saksi sa nasabing operasyon sina Punumbarangay Epifanio Baon ng Brgy. Tanggoy Balayan, Batangas, Onofre Tenorio ng DWAL-Fm bilang media representative at Mr. Michael Saroca ng National Prosecution Services.

Narekober sa lugar ang isang (1) yunit ng POLY NP cal. 9MM pistol na may serial number 4920467; isang (1) pirasong magazine ng cal. 9MM; at anim (6) na pirasong buhay na bala ng cal. 9MM;.

Nakarekober din sa lugar ng dalawang (2) plastic sachet ng hinihinalang shabu; anim (6) na piraso ng buhay na bala para sa kalibre 45; tatlong (3) pirasong basiyo ng bala para sa Cal. 9MM at 19 na piraso ng basiyo ng bala kalibre .45.|#BALIKASNews

Share this:



Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *