Ekonomiya sa CALABARZON, lumago ng 4.8% noong 2016

STO. TOMAS, Batangas –NAKAPAGTALA pa ng 4.8% paglago ng ekonomiya ang rehiyon ng CALABARZON sa taong 2016, bagaman at mas mababa sa 5.8% na naitalang paglago noong 2015.

Ito ang iniulat ni Philippine Sta-tistics Authority (PSA) IV-A-CALABARZON Regional Director Charito Armonia sa isinagawang 2016 Report on the Regional Economy News Conference na ginanap sa bayang ito kamakailan.

Tatlong sektor ang pinagbabatayan ng paglago ng ekonomiya kabilang ang sumusunod: Agriculture, Hunting, Forestry and Fishing na may 5.5%; Industry sector na may pinakamalaking bahagi sa paglago na umabot sa 61.4% at ang services sector na may 33.2%.

Bagamat pinakamalaking bahagdan ay mula sa industry sector, malaking bahagi ng sub-industry nito tulad ng manufac-turing, construction at mining and quarrying kung saan kapuna-puna ang pagbaba ng paglago sa taong 2016 kung ikukumpara sa taong 2015. Isa sa nakikitang dahilan dito ay ang mga election ban na naranasan lalo na at may mga limitasyon lalo na sa construction sector.

Ngunit sa kabila nito, malaki at mabilis ang pagtaas ng Electricity, Gas at Water Supply (EGWS) sub-industry na may 7.5% kumpara sa 6.8% na paglago noong 2015.

Nakita naman ang paglago ng services sector mula sa 6.7% noong 2015 ay nagging 7.2% ito noong nagdaang taon. Ilan sa mga sanhi nito ay ang paglago din ng mga sub-industry tulad ng Financial Inter-mediation; Public Administration and Defense; Compulsory Social Security; Real Estate, Renting and Business Activities at Transport, Storage and Communication.

REHIYON IV-A. Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.| Source: Google maps

Bumaba naman ng 0.1% mula 9.7% noong 2015 ay naging 9.6% sa taong 2016 ang Other Services sub sector. Gayundin ang Trade and Repair of Motor Vehicles, Motorcycles, Personal and Household Goods sa 5.7% noong 2016 mula sa 6.9% noong 2015.

Samantala, binanggit naman ni National Economic and Develop-ment Authority (NEDA) IVA-CALABARZON Regional Director Luis G. Banua ang ilan sa mga challenges na sanhi ng pagtaas o pagbaba ng naitalang paglago ng ekonomiya ng rehiyon kabilang ang maayos na pagpasa ng traffic management plan, competitiveness, academe-industry linkages upang maiwasan ang job mismatch, investment promotion, pagkakaroon ng migration center, pagpapataas ng operasyon sa Batangas Port at pagpapataas pa ng antas ng mga aktibidad sa rehiyon.

“Normal lamang na mararanasan natin ang paglago o pagbaba ng iba’t ibang mga sektor ngunit sa kabila nito nananatiling puma-pangalawa ang Calabarzon sa pinakamalaking kontribyutor sa gross domestic product (GDP) sunod sa National Capital Region (NCR)”, dagdag pa ni Banua.

Ayon kay Wilma Villafuerte, OIC, Civil Registration and Administrative Services Division PSA IVA na dapat tayong matuwa sapagkat malaking bahagi ng rehiyon ang maituturing na malaking kontribusyon sa paglago ng gross regional domestic product.|BHABY P. DE CASTRO

Share this:



Copyright 2016 balikas.net

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *