BALIK-NORMAL na ang biyahe sa mga pantalan sa bansa, partikular sa Kabisayaan at Katimugang Tagalog matapos ibaba ng PAg-ASA sa Low Pressure Area ang dating Tropical Depression #CrisingPH.|VINCENT OCTAVIO

TD #CrisingPH, isa na lang LPA; kinanselang biyahe sa dagat, balik-normal na ulit

#BALIKASBantayPanahon UPDATE

(UPDATED) WALA ng bagyo at ang dating tinawag na Tropical Depression #CrisingPH ay isa na lamang Low Pressure Area (LPA). Kaninang alas-10:00 ng umaga, batay sa available data ng PAG-ASA, ito ay namataan sa layong 70 kilometro sa Silangan hilagang silangan ng Lunsod Iloilo. Ito’y inaasahang magdadala ng manaka-naka hanggang katamtamang pag-uulan at pagkulog sa gawing hilagang Cebu, Hilagang Negros, mga lalawigan ng Capiz, Aklan, Romblon, Masbate at Mindoro.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko at ang mga disaster risk reduction ang management councils sa mga lugar na nabanggit na patuloy na maging mapagmatyag at maging handa.

Samantala, balik-normal na ang mga biyahe ng barko at iba pang sasakyang pandagat sa mga lugar na kinansela ang biyahe kahapon.

Bago ito, nagsungit ang panahon kahapon ng hapon, Sabado Santo na sinundan ng paglandfall ng bagyong #CrisingPH sa Hernani, Eastern Samar bandang alas-6:30 ng gabi, Abril 15.

Itinaas din kahapon ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Hilagang Cebu, Hilagang Samar, Silangang Samar, Samar, Biliran at Leyte na nagging sangi ng pagkansela ng biyaheng pandagat sa mga lugar na nabanggit.

Ang susunod na bulletin ng PAG-ASA ay ilalabas bukas, Lunes, aganp na ika-11:00 ng umaga.| #BALIKASNews

#BALIKASOnline #OplanSUMVAC

Share this:



Copyright 2016 balikas.net

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *