PERSONAL na ininspeksyon nina Batangas Governor Hermilando I. Mandanas (naka-pulang shirt), kasama ang mga kinatawan ng national government, sa pangunguna ni Dept. of Budget & Management secretary Benjamin Diokno (gitnang harap), NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad (likod ni Sec. Diokno) at Office of the Civil Defense director Vicente Tomazar (kaliwa), ang island Municipality ng Tingloy, na isa sa pinaka-naapektuhan ng lindol noong Abril 4 at 8, 2017. Kausap ni Sec. Diokno, na isa ring Batangueño, si Tingloy mayor Lawrence Alvarez (naka-white shirt) habang iniikutan ang mga nasirang istraktura.|Vince Altar/Eric Arellano

Batangas, nananatiling matatag at ligtas makalipas ang lindol

SA kabila ng sunud-sunod na paglindol noong nakalipas na linggo, humarap sa publiko si Batangas Governor Hermilando I. Mandanas upang siguraduhin na nasa mabuting kalagayan ang lalawigan.

Sa kanyang mensahe noong Lunes, Abril 10, matapos ang Flag Ceremony sa Kapitolyo, ipinaabot  nito sa mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan, ganun din ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, na nanatiling matatag at nasa mabuting kalagayan ang probinsya, habang patuloy na bumabangon sa mga pinsalang hated ng mga  lindol na nararamdaman sa ilang bahagi ng lalawigan noong nakaraang Martes at  Sabado.

Ayon sa Gobernador, sa kabila ng mga napaulat na mga pinsala, partikular sa bayan ng Mabini at  Tingloy, Lunsod Batangas, Bauan, Cuenca at Agoncillio, nanatiling normal ang mga pangunahing  imprastraktura sa lalawigan, partikular ang mga major highways and road networks, mga ospital at paaralan, ganun din ang mga vital installations gaya ng power plants, oil depots at mga telecommunication networks.

Batangas Phivolcs Earthquake Briefing. Personal na nagtungo sa Batangas si DOST Undersecretary at Philippine Institute of Volcanology and Seismology director, Renato Solidum, Jr. (inset) para ipaliwanag sa mga Batangueño tungkol sa mga katangian ng lindol at magbigay ng dagdag kaalaman at paalala para maging ligtas sa panahong ito ay maganap, Abril 10, kaalinsabay ng pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, matapos ang magkakasunod na lindol na yumanig sa Lalawigan ng Batangas, Abril 4 at 8.|Vince Altar / Eric Arellano

Hinikayat nito ang publiko na huwag mangamba bagkus ay maghanda at maging alerto sa darating na mga araw upang maiwasan ang sakuna, kasabay ng pakiusap na maging kalmado upang maiwasan ang maling pagpapakalat ng impormasyon na nagdudulot ng panic at kalituhan sa publiko.

Nauna nang tumungo ang delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa bayan ng Mabini noong Araw ng Linggo, Abril 9, para magpa-abot ng tulong at makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Mayor Noel Luistro at iba pang mga opisyal ng nasabing bayan.

Sa tala ng Philvolcs, nairehistro sa Mabini ang pinakamalakas na pagyanig na umabot sa intensity 7, dahilan upang magkaroon ng minor damages sa mga pangunahing imprastraktura doon, at magdulot ng takot sa mga residente na agarang umuwi sa kanilang mga tahanan bunga ng mga nararamdaman pa ring mga aftershocks.

Sa pinagsamang datos ng DSWD at PSWDO, naipabot na sa Mabini ang 500 pirasong blanket, bottled water, 30 high capacity tents at mga food packs. Ang bayan naman ng Tingloy ay nakatanggap ng 200 piraso ng blankets, 15 high capacity tents at mga bottled water.|EDWIN ZABARTE

Share this:



Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *