Balikas Online : Header
Search
 
Contact Us Advertise home
 
Balikas Online
Balikas Frontpage
Aklat 14 Bilang 26
Ika-22 hanggang ika-28
ng Hunyo, 2009

The Pawikan Files
 
FAITH, pasok muli sa World Robotics Olympiad
Ulat ni Carvelo L. Malubag, October 20, 2008

LUNGSOD NG LIPA, Batangas- Muling ipapakitang-gilas ng mga mag-aaral ng First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) ang kanilang talento sa larangan ng makabagong agham at robotics at muli ay aasaming masungkit ang kampeonato sa darating na World Robotics Olympiad (WRO) 2008.

Ang WRO 2008 ay nakatakdang ganapin sa ika-31 ng Oktubre sa Yokohama, Japan.

Ang koponang FAITH ay naging kampeon noong WRO 2006 na ginanap sa Nanning, China.

Ayon kay Atty. Gay Marie Francisco, Vice President for Planning and Develoment ng paaralan, bahagi ng asignatura ng mga bata ang robotics.

Aniya, dahil dito ay matagal nang nakahanda at planado ang koponan.

Ngayong WRO 2008, ang mga mag-aaral na lalahok para sa FAITH ay sina Marc Joseph Garcia, Eileen Fay Villegas at Kris Jason Marikit para sa regular category. Ang open category ay kakatawanan naman nina Pio Angelico Encarnacio, Francisco Gabriel Nunez at Aidren Opaco.

Nakamit ng FAITH ang ikalawang pwesto sa open at regular category ng taunang 7th Philippine Robotics Olympiad noong Setyembre, 2008 na inorganisa ng Felta Multi-Media, Inc at Department of Science and Technology. (DOST). Dahil dito ay awtomatiko silang kalahok sa WRO 2008.

Ayon kay Francisco, ipapakitang gilas ng mga mag-aaral ang kanilang likhang robot na may maka-kalikasang tema na Five R’s in Saving Global Environment.

Ang 5 Rs, ayon kay Francisco, ay Reuse, Recycle, Reduce, Rethink at Robotics.
Balikas Online
advertisement
estewar yellowfin tuna goat meatshop kambing padre garcia batangasLose and weight look young feel greatrose and grace restaurant batangasLibre ads, advertise, free

Balikas Online : Footer
Top of page . Home . Contac Us . Terms of Use . Disclaimer
Powered by Pusod, Inc.
Balikas Online, Copyright 2006-2008. All rights reserved.
Website Design and Development by Walter L. Lingon