84 pulis-Tanauan ‘itinapon’ sa Binangonan, Rizal?

(UPDATED) TANAUAN City – MISTULANG nilimas ang kwerpo ng pulisya sa lunsod na ito matapos ipag-utos ng pangrehiyong liderato ang ‘reassignment’ ng buong pwersa sa Binangonan, Rizal na binubuo ng 84 na miyembro.

Batay sa natanggap na ulat ng Balikas News, isang kalatas umano mula sa Calabarzon Regional Police Office IV-A ang nag-uutos na tanggalin sa pwesto ang lahat ng kapulisang nakatalaga sa Tanauan City Police Office at mailipat sila sa Binangonan Municipal Police Office, epektibo nitong Lunes, Mayo 15.

Bilang pagsunod sa kalatas, ipinag-utos ni Acting Provincial Director PSSupt. Randy Q. Peralta ang hepe ng Provincial Personnel Human Resource and Development Branch na ipatupad ang naturang order, samantalang ihihingi pa rin umano ng paglilinaw sa mas mataas na liderato ng pulisya ang kautusang nabanggit.

Binigyang-diin naman ni Peralta na ang reorganisasyon sa pambansang pulisya ay bahagi ng ginagawang pagpapalakas ng pambansang kampanya laban sa kriminalidad, kaya normal lamang ang paglilipat-lipat ng destino ng mga kasapi ng kapulisan.

Ngunit, sa halip na irelieve at i-reassign lahat, naiwan ang hepe rito na si Police Superintendent Audie Madradeo at si Deputy Chief PCInsp. Dwight Fonte.

Kabuuang 34 na pulis namang nakatalaga Provincial Public Safety Company ang pansamantalang itinalaga sa Tanauan City Police Station habang lumilipat naman sa ang kapalit na mga pulis-Binangonan.

Ipinag-utos din ni Peralta sa hepe ng Provincial Investigation and Detective Management Branch na makipag-ugnayan na sa lahat ng sangay ng mga korte kaugnay ng pagbabagong-destinasyon ng mga pulis na nabanggit upang huwag makaantala ito sa pagganap sa tungkulin partikular tulad ng pagdalo sa mga pagdinig at iba pang usapin sa mga hukuman.|#BALIKASNews

Share this:



Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *