News

6 na drug suspects arestado sa pinalakas na kampanya kontra iligal na droga

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – ARESTADO ang anim na (6) na pinaghihinlaang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Batangas nitong Huwebes ng gabi, Mayo 10.

Ayon kay PSSupt. Edwin A. Quilates, Office-in-Charge ng pulisya sa Batangas, bandang alas-onse ng gabi nang masakote ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa ilalim ni PCI Apolinario I. Lunar, Jr. sa Barangay Calicanto, ang tatlo sa mga ito.

Positibong kinilala ni Quilates ang mga big time drug suspects na sina Cyrus June Corona y Manongsong, 29, binata, tubong Tingloy, Batangas at residente ng Brgy. Bolbok, Batangas City; Kevin Ramos y Bulda, 28, binata, tubong Sto. Tomas, Batangas at residente ng Brgy. Tinga Labac, Batangas City; at Cynthia Borbon y Quibral, 37, dalaga, tubo at residente ng Brgy. Calicanto, Batangas City.

INIMBENTARYO ng tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Batangas Provincial Police Office ang mga ebidensyang narekober sa tatlong hinihinalang big time drug pushers sa Batangas City.|

Nabatid pa na ang tatlong (3) suspek na nabanggit ay pawang mga nakulong na sa salang paglabag sa Republic Act 9145 ngunit pawang na-acquit din sa di pa malamang mga kadahilanan. Nabatid din na itinuturing na kabilang umano si Corona sa Commando Group

Narekober mula sa tatlo ang kabuuang 13.96 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P25,826.

Sinabi pa ni Quilates na gumamit din ng mga si Borbon sa kaniyang pagbebenta ng iligal na droga. Isang batang nasa pagitan ng tatlo (3) hanggang limang (5) taong gulang ang nakita ng mga operatiba na kasama ni Borbon at ginamit nitong drug courier.

Samantala, bago ito ay tatlo (3) ring hinihinalang pushers na pawang taga-barangay Calicanto ang inaresto ng mga tauhan ng Batangas City Police Station (BCPS) Drug Enforcement Unit sa ilalim ni PSupt. Sancho Celedio.

Kabilang sa mga inaresto bandang alas-9:00 ng gabi sina Fernando Aguda y Cuevas, alyas ‘PJ’, 50 anyos, rice vendor, at Severino Herrera y Capitle alyas ‘Teddy’, 52 na kapwa naaresto matapos mahuling nakikipagtransaksyon sa bentahan ng shabu. Narekober sa kanilang pag-iingat ang isang (1) lilimahing daang piso (500) ; 11 piraso ng maliliit na sachet ng hinihinalang shabu; at tatlong (3) sasandaaning piso.

Inventory of recovered evidence in the presence of suspects Fernando Aguda y Cuevas @ PJ, and Severino Herrera y Capitle @ Teddy.|

Inventory of recovered evidence in the presence of suspects Fernando Aguda y Cuevas @ PJ, and Severino Herrera y Capitle @ Teddy

Isang oras ang nakalipas, bandang alas-dyes ng gabi, naaresto naman sa isang buy-bust operation sa Brgy. Calicanto rin si Jonathan Baril y Maralit alyas ‘Barok’, na dati na ring drug surrenderee. Nakumpiska sa kaniya ang limang daang pisong (500) marked money at walong (8) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglamaman ng hinihinalang shabu.

Kabuuang 1.3 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa tatlong nabanggit na may street value na P2,405.

Pawang nakapiit ngayon sa detention facility ng Batangas City Police Station ang mga naarestong suspek.

“Gaya ng mahigpit na tagubilin ng ating pangrehiyong director, PCSupt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, hindi tayo titigil manapay lalong paiigtingin pa ang kampanya laban sa iligal na droga sa ating nasasakupan,” pahayag pa ni Quilates.|#BALIKAS_News