NASUGBU, Batangas Sinuspinde muna ang pasok sa Banilad Elementary
School dito noong ika-26 ng Hunyo, matapos magpositibo sa A(H1N1)
virus ang 24 na mag-aaral ng paaralan.
Ayon kay Dr. Antonio Magno, medical officer ng Nasugbu Municipal
Health Office, wala munang pasok ang nasabing paaralan sa susunod
na 10 araw para maiwasan ang pagkalat ng virus.Manggagawang
mababang kakayahan, maraming naipapasok na pera sa Pinas Mula sa Institute for Migration and Development Issues
Matatagpuang masigasig na naghahanap buhay ang mga Pinay sa mga
pampublikong parke ng mga bansang matatagpuan sa kanluran at timog
Silangang Asya tulad ng Singapore at Hong Kong upang makapagpadala.
Ang tagpong ito bawat linggo ang nagpapatibay sa mga datos ng
pamahalaan na ang mga babaeng nagtatatrabaho bilang kasambahay
(household) at sektor na nagbibigay serbisyo, at mga lalaking
nagtatrabaho sa sektor ng produksyon sa kabilang ibayo ay siyang
mga nangungunang nagpapasok ng pera sa Pilipinas o remitter.
LUNGSOD NG BATANGAS- Tinatayang nasa 1,000 mag-aaral na
bawat semestre ang naging iskolar ni Cong. Hermilando DodoMandanas
buhat nang siyay naging congressman.
Umabot naman sa 2,500 ang naging iskolar ng probinsya bawat
semestre noong siyay gobernador pa ng probinsya ng
Batangas kung saan 20 milyong piso bawat taon ang inilalaan
niyang pondo para sa naturang proyekto.
BALAYAN, Batangas- Baku-bako ang limang kilometrong daan patungo
sa tahanan nina Rufino at Rosita Didal sa Brgy. Taludtod, ngunit
ang distansya ng kanilang bahay papuntang munisipyo, center, o
maging sa Dubai sa United Arab Emirates (UAE) ay walang kahadlang-hadlang.
Isang maliit na tindahang may sukat lang na limang metro parisukat
na may lamang mga sitsirya at mga softdrik ang bubungad sa mga
bisitang dadalaw sa tanahan ng mga Didal. Sa likod ng bungang
ito ng paghihirap ni Rosita ay ang 1.5 ektaryang tubuhan ni Rufino,
dati niya itong inuupahan at ngayon ay sa kanila na. Ito ay bago
pa siya magtungo sa Hong Kong at UAE. Pulis-Batangas,
may S.W.A.T. na
LUNGSOD NG BATANGAS- Pormal nang ipinakilala ni Police Sr. Supt.
Jesus Gatchalian, Philippine National Police (PNP)-Batangas Provincial
Director, kay Batangas Governor Vilma Santos Recto ang grupo ng
Special Weapons and Tactics (S.W.A.T) na magiging kaagapay ng
lalawigan sa pagpapanatili ng seguridad.
Ang pagpapakilala at presentasyon ng bagong pangkat ng pulis ng
Batangas PNP ay ginanap kasabay ng isinagawang flag ceremony sa
kapitolyo noong ika-22 ng Hunyo.
LOS BAÑOS, Laguna- Ligtas at epektibong panlaban
at pangkontrol sa pesteng coconut leaf beetle ang neonicotenoid-
isang pestisidyo na itinuturok sa katawan o puno ng niyog.
Ito ang kamakailan lang ay ipinahayag ng pag-aaral ng isang
siyentipiko sa mga lason ng isang pestisidyo ng Unibersidad
ng Pilipinas-Los Baños (UPLB).
LUNGSOD
NG LIPA, Batangas- Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Lipa
sa pangunguna ni Mayor Oscar Gozos ang 100 nangungunang
nagbabayad ng buwis sa lungsod kaalinsabay ng isinagawang
Lipa City Business Forum sa Club Victorina ng Base View
Homes dito noong ika-18 ng Hunyo.
Bukod sa pagbibigay ng plake, ipinaabot din ni Gozos ang
kanyang pagbibigay-puri sa mga indibidwal at mga korporasyon
na patuloy at walang patid sa pagbabayad ng buwis na lubos
na nakatutulong sa lokal na pamahalaan upang higit na maging
epektibo at maayos na makapagbigay ng serbisyo sa publiko.
SAN JUAN,
Batangas- Nagsagawa ng serbisyong medikal noong ika-20 ng
Hunyo ang grupo ng Philippine Air Force (PAF) sa Brgy. Escribano
at iba pang 11 na barangay ng San Juan.
Ito ay bilang pangunahing bahagi ng pagdiriwang ng ika-62
anibersaryo ng PAF sa darating na ika-1 ng Hulyo. Dito,
pinili ng 740th Combat Group (CG) ng PAF na mabigyang benipisyo
ang bayan ng San Juan.